Tuesday, April 8, 2014

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Florante at Laura: Aralin 14- Ang laki sa Layaw ni Emmar Flojo

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo
ng Florante at Laura: Aralin 14- Ang laki sa Layaw

       I.            Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1.      Nasusuri ang nilalaman ng Aralin 14- Ang Laki sa Layaw,
2.      Nakahihinuha ng mga bagay na maaaring maiugnay sa aralin at
3.      Nakagagawa ng liham pasasalamat.
    II.            Paksang-Aralin:
A.    Paksa: Aralin 14- Ang Laki sa Layaw
B.     Kagamitan: kagamitang biswal
C.    Sanggunian: Buenaventura Ernesto. etal. Florante at Laura. Pahina 56-61; Modyul; pamphlet.
 III.            Pamamaraan:
GawaingGuro
Gawaing Mag-aaral
A.Pagganyak:
·         Pagpapakahuluan ng kasabihang;

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat; masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog naanak.”




·         Malaki ang ginagampanan ng magulang sa pagpapalaki nito sa kanilang anak. Dahil nasa kamay nila ang kung papaano nila huhubugin ang pagkatao nito sa hihnaharap.
B.Paglalahad:
·         Pag-alisngSagabal;
Panuto: Piliin ang katumbas na kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Salangguhitan lamang ang sagot.

1.      Mariwasa (maganda, mayaman, masagana-ng) buhay ang sayo’y naghihintay sa pagkat ika’y nakapag-aral.
2.      Kahihinatnan (Karirisulbahan, kalalabasan, kalalagyan) masinop na pag-aaral ay ikagagaan ng buhay sa hinaharap.
3.      Mawalay (maiwan, malayo, mabigo) sa pamilya’y sadyang malungkot  kung minsan.
4.      Hinubog ( Binago, hinasa, tinalima) ng panahon ang buhay niya buhat ng siya’y nakapag-aral
5.      Pakikipagsapalaran (Pakikipagtuos, Pakikipagbuno, pakikipagtagisan) sa ibang bansa ang nagging tugon niya upang maibsan ang kahirapan.




SAGOT



Maganda



Kalalabasan



Malayo


Hinasa


Pakikipagbuno
C.Pagtalakay:


·         Pababasahin ang nilalaman ng Aralin 14- Ang laki sa Layaw.

·         Magtatanong tungkol sa;

1.      Kung ikaw si Florante, magagawa mo ka yang pagkatiwalaan ang taong ngayon mo pa lamang nakikilala.

2.      Masasabi mo bang nagampanan nga nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ang kanilang tungkulin bilang mga magulang ni Florante?


3.      Bakit sinabing hindi dapat mahirati ang isang anak sa saya? Ano ang mangyayari kung magkaganoon?


4.      Dapat bang isisi sa magulang ang kapariwaraan ng kanyang anak? Bakit?





5.      Anoangiyongreaksiyonsatuwingnasesermunan o napapangaralankangiyongmgamagulang? Paanomoitotinatanggap?



·         Magbabasa at sisiyasatin ang mga katanungan.

·         Sasangguni sa mga katanungan

·         Opo! Sapagkat malilinis ang kanyang hangarin na tulungan ang nangangailangan sa oras ng kagipitan.



·         Opo! Dahil pinalaki nila si Florante ng tama at hindi nila pinagkait na pag-aaralin kahit ang kapalit nito’y malayo sa kanila ang minamamahal.



·         Upang kung magkaganoon, sa anumang pagsubok ng buhay ay kanya itong malalagpasan na hindi umaasa na tutulungan pa ng iba.


·         Opo! Sapagkat ito’y aayon sa kanilang pagpapalaki sa kanilang mga anak at kung minsan nasa sa atin din bilang mga anak na dapat nating isaisip kung tama ba o mali na ginagawa natin o ginagawa ng magulang para sa atin.

·         Malugod ko itong tinatanggap dahil ginagawa lang po nila ang tama na hubugin tayo bilang mga ana kanila at gusto nilang mawasto ang ating mga pagkakamali upang sa banadang huli ay tayo rin ang maginginabang para sa ikatutwid ng ating landas na ating tatahakin.
D.Paglalahat:
·         Pasalita- Paano at kalian masasabing nagampanan na ng magulang ang kanilang mga tungkulin sa kanilang mga anak?



·         Masasabi natin na kapag ang isang anak ay pinalaking tama, marunong gumawa ng hakbang upang mapaunlad ang kanyang sarili na hindi umaasa sa iba, may takot sa Diyos at nakamtan na niya ang buhay na matiwasay.
E.Paglalapat:
·         Pangkatang Gawain- Pagpapangkatin sa tatlong grupo ang mga mag-aaral at gagawin nito ang itinakdang Gawain para sa kanilang pangkat.

Pangkat 1: Sang- ayon ba kayo na “Ang karanasan ang pinakamabuting guro?” Maglahad ng katwiran kung bakit OO o HINDI ang inyong kasagutan.

Pangkat 2:Bumuo ng akrostik mula sa salitang MAGULANG. Isaalang-alang ang sa paggawa ng katuturan at kahalagahan nito sa salitang ito sa buhay ng mga anak

Pangkat 3:Gumuhit ng sumisimbulo sa mga magulang sa pagsasakripisyo nito sa kanilang mga anak upang lumaki itong tama sa hinaharap.

 IV.            Ebalwasyon:
Indibidwalna Gawain- Sa isang buong papel sumulat ng liham pasasalamat sa mga taong nakagawa ng kabutihan sa iyo. Maaring saiyong kaibigan, kaklase, guro o kaya’y sa inyong mga magulang.
    V.            TakdangAralin:
Gumupit at magdikit ng iyong larawan kaugnay ng iyong karanasang hindi malilimutan noong ika’ybata pa. Ilahad kung bakit hindi malilimutan ang karanasang iyon. Ilagay ito sa buong malinis na papel.


                                                                                                   Inihanda ni:


                                                                                                         FLOJO EMMAR CUACHIN
                                                                                                                          Tagapagturo













AngLakisaLayaw
Naging ganap ang pagiging bata ni Florante dahil sa masaya at mariwasang buhay na kanyang naranasan. Bagaman natatakot si Duke Briseo sa kahihinatnan ng pagpaparaya sa anak ay napagpasyahan niyang paaralin ito sa Atenas. Labag man ito sa kalooban ang mawalay sa anak, para naman ito sa ikabubuti ni Florante. Ang pakikipagsapalaran ang huhubog sa kanyang pagkatao na maging matibay at matatag.
TANONG:
1.      Kung ikaw si Florante, magagawa mo kayang pagkatiwalaan ang taong ngayon mo pa lamang nakikilala.

2.      Masasabi mo bang nagampanan nga nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca ang kanilang tungkulin bilang mga magulang ni Florante?

3.      Bakit sinabing hindi dapat mahirati ang isang anak sa saya? Ano ang mangyayari kung magkaganoon?

4.      Dapat bang isisi sa magulang ang kapariwaraan ng kanyang anak? Bakit?

5.      Ano ang iyong reaksiyon sa tuwing nasesermunan o napapangaralan ka ng iyong mga magulang? Paano mo ito tinatanggap?

6.      Paano at kalian masasabing nagampanan na ng magulang ang kanilang mga tungkulin sa kanilang mga anak?

Pamantayan sa Pag-uulat ng mga ginawa ng bawat pangkat
PUNTOS
DESKRIPSYON
PAMANTAYAN

9-10

Napakahusay
Lubos na makatotohanan ang mga detalying ipinahayag.
Naipapahayag ng maayos ngtaga-ulat ang kanilang ginawa.

7-8

mahusay
Nakapagbibigay ng detalye bagamat hindi gaanong
naipapaliwanag ng taga-ulat ang kanilang ginawang Gawain.

5-6
Di-gaanong
mahusay
Kulang ang mga detalying inilahad at hindi gaanong mapaliwanag ng maayos ng taga-ulat ang kanilang ginawa,






1-4

Hindi mahusay
Kulang ang inilahad na detalye at hindi maipaliwanag ng taga-ulat ang kanilang ginawa

MARAMING SALAMAT SAINYONG PAKIKINIG!!!








No comments:

Post a Comment