I.
INTRODUKSYON:
Tatangkain natin ditong 1)
mabigyan ng payak na paglalarawan sa dalawang modelong panggramatika ni
Chomsky, 2.) gamitin ang dalawang modelo sa pangungusap na bumili ng kendi si
Mario paa sa bata, 3) talakayin ang kalakasan at kahinaan ng dalawang modelo,
at 4) mabigyan ng ilang pagkuro-kuro tungkol sa implikasyon ng mga ito sa
larangan ng pagtuturo ng wika.
Bukambibig ngayon ang
pangalan ni Chomsky at ang kanyang modelong transformational-Generative Grammar
sa larangan ng linggwistika. Magiging katawa-tawa ang katayuan ng isang
mag-aaral sa linggwistika kung kung hindi siya magkakaroon kahit kaunti man
lamang na kaalaman tungkol sa mga modelong panggramatika ni Chomsky kahit hindi
siya naniniwala sa mga ito. Sa katotohanan ay lumitaw sa manunulat na ito na
magiging mahirap unawain ang kasalukuyan at sa susunod pang mga kalakaran sa
linggwistika kung ang mga mag-aaral ay walang kaalaman sa
transformational-generative grammar ni Chomsky.
Ang dalawang pangunahing
sangguniang ginamit sa talakay na ito ay ang dalawang aklat ni Chomsky—SYNTACTIC
STRACTURES:1957 (mula rito’y tatawaging STRACTURES 1957, at ASPECT OF THE
THEORY OF SYNTAX:1965 (Mula rito’y tatawaging ASPECTS 1965)
II.
Layunin:
Pagkaraang matalakay ang aralin, ikaw ay
inaasahang;
1.
Nabibigyan ng payak na paglalarawan ang
dalawang modelo;
2.
Nagagamit ang dalawang modelo sa pagbuo ng
pangungusap;
3.
Natatalakay ang kalakasan at kahinaan ng
dalawang modelo; at
4.
Nakahihinuha ng ilang pagkuro-kuro hinggil sa
implikasyon ng mga ito sa larangan ng pagtuturo ng wika.
III.
PANIMULANG-GAWAIN:
Panuto:
Gumawa ng limang pangungusap na nauuri sa karaniwang ayos at limang pangungusap
naman sadi karaniwang ayos.
IV. BATAYANG-KAALAMAN:
Pagbubuod
sa Dalawang Modelo
1.
STRACTURES
1957. Noong mga taong 1951 at 1955, samantalang nag-aaral sa Harvard University
bilang isang fellows, si Chomsky ay nagkaideya na ang mga mag-aaral ng sintaks
o palaugnayan ng isang wika ay maaaring isagawa sa paraang autonomous o hiwalay
sa ibang antas ng wika. Bago rito, ang interes ni Chomsky ay tungkol sa
tinatawag sa Ingles na ‘Mathematical Theory of formal Language’. Noong 1957,
agkatapos niyang mahantad sa mga kilalang linggwistikang tulad nina Harris,
Goodman, Quine, Halle, at iba pa ay naglabas si Chomsky ng isang monograp na
may pamagat na SYNTACTIC STRUCTURES, isang kaganapan ng kanyang matibay na
paniniwala na ang gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan. (ef. p.
17) kung sabagay ay hindi naman niya lubusang isinasantabi ang semantika
sapagkat tinanggap naman niya ang relasyon ng sintaksis at semantika ay
maaaring pag-aralan pagkatapos pag-aralan nang hiwalay ang sintaksis.
Nang
lumabas ang SYNTATCTIC STRUCTURES ni Chomsky ay nayanig ang pundasyon ng
Istrukturalismo sa Amerika. Magugunita na nang mga panahong iyon, ang daigdig
ng linggwistika sa Amerika ay nagdodominahan ng Istrukturalismo na pormal na
nagsimula ang ipalathala ni Bloomfield ang kanyang aklat na may pamagat na
LANGUAGE noong 1933. Lumaganap nang lumaganap at naging palasak sa Amerika ang
Istrukturalismo makaraan ang mga dalawampung taon.
Sa
kabuuan, ang mga istrukturalismo ay nagbibigay-diin sa istruktura o anyo at
hind isa kahulugan. Para sa kanila, ang semantika ay hindi lubhang mahalaga
bagama’t hindi nila kailanman ikinaila na ang wika ay binubuo ng tunog (sound)
at kahulugan (meaning). Si Bloomfield mismo ang nagsabing in human speech,
different sounds have different meanings. To study this co-ordination of
certain sounds with certain meaning is to study language.’ (Bloomfield 1933:77)
Gayunpaman, may pagkakataon na si Bloomfield ay nagsasawalang-kibo na lamang
kapag hindi niya maipaliwanag sa mga kaagham na pamamaraan ang tungkol sa
semantika ng wika. (Gonzales 1971:1) Ito ang maaaring matibay na dahilan kung bakit
karamihan sa gawa ni Bloomfield ay tungkol sa ponolohiya o palatunugan na
nagpatotoo sa sabi ng mga makabagong mga linggwista na si Bloomfield at kanyang
mga kasama ay sobra ang ginawang pagpapahalaga at pag-aaral sa palatunugan (‘phonetic
bias’). Ang totoo, kahit ang tinatawag na mga neo-Bloomfieldians o ang pangkat
ng makabagong linggwista na naniniwala pa rin kay Bloomfied ay masasabing ang
iba’t ibang antas ng wika ay maaaringpag-aralan nang hindi na kailangang
osaalang-alang pa ang kahulugan. Si Harris, halimbawa, na kilala bilang
‘transfigure’ sa mga naniniwala sa istrukturalismo at sa transpormasyonalismo
ay nakilala pa rin nitong dakong huli dahil sa kanyang ‘philosophical
reductionism’ na ang ibig sabihin ay sa pamamagitan lamang ng mga tunog
inilalarawan niya ang isang wika.
Bumalik
tayo kay Chomsky. Sa aklat ni Chomsky ay nagpakita siya ng isang modelo, isang
paraan ng paglalarawan sa ‘competence’, ng isang tao sa paggamit ng wika.
Katumbas ang ‘Competence’, sabi niya, ng tinatawag ni Humbolt na ‘form.’Ang
anyo ng wika, ayon kay Chomsky, ay yaong walang pagbabagong salik na
nagbibigay-buhay at kahalagahan sa bawat particular na nagsasalita. Sa ibang
salita, sa pamamagitan lamang ng kaalaman sa panloob na representasyon ng anyo
maaaring magkaroon ng kakayahan ang isang tao sap ag-unawa at paggamit sa isang
wika. Na kaya lamang nagkakaunawaan ang dalawang taong nagtatalastasan ay
sapagkat kapwa nila alam ang panloob na anyo ng wikang kanilang ginagamit. Para
kay Chomsky, ang panloob na anyong ito ng wika ang siyang kailangang mailarawan
sa isang gramatika.
Ang
sabi ni Chomsky:
A
generative grammar is an attempt tp represent, in a precise manner, certain
aspect of the form of language, and a particular theory of generative grammar
is an attempt to specify those aspects of form that are a common human
possession—in Humboldtian terms, one might identify this matter with the
underlying general form of all language. (Chomsky 1962b: 184)
Sa
STRUCTURES 1957 ay tiningnan ni Chomsky ang wika sa isang paraang matematikal.
Ginamit niya rito ang kanyang kaalaman sa matematika, tulad ng tinatawag na
probalistic theory, set theory, finite state theory, concatebation algebra,
graph theory. At iba pa. Ginamit din niya rito ang kanyang kaalaman sa
‘Computer language’ at ‘symbolic logic.’ Sinabi niyang ang kanyang modelo sa
gramatika ay tulad ng isang automaton na magpapalabas (generate) ng lahat ng
maaaring palabasin tamang pangungusap sa isang particular na wika.
Ang
pamamaraan ni Chomsky ay maituturing na di natural na paraan ng paglalarawan sa
wika, lalo na ng mga di nakauunawa sa kanyang ginagawa. Maaaring sabihin na
pinahihirapan ni Chomsky ang pag-aaral sa isang buhay na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan ng tao—ang wika. Subalit nakinig kay Chomsky ang daigdig ng
linggwistika, kundi man naiwala ang karamihan. Maaaring ang dahilan ay sapagkat
dumating ang modelong ‘matematikal’ ni Chomsky nang ang daigdig ay nagbabago
tungo sa panahon ng ‘computer.’
Sa
kabuuan ay tinangka ni Chomsky na bumuo ng isang modelong panggramatika sa
antas ng sintaksis na tinawag niyang “phrase structure.’ Sa ibang salita, ang
kanyang gramatika ay magpapalabas (generate) ng mga parirala. At kung titingnan
nang malapitan ang kanyang modelo, masasabing sa ubod niyon ay naroon pa rin
ang paraang ginagamit sa modelong Immediate Constituent. Naiba lamang ang
paraan ng paglalarawan. Ang sabi ng ni Chafe tungkol sa modelo ni Chomsky:
“Chmsky’s notion of phrase structure seemed to me at best to be caricature of the
IC model as I understood it. (Chafe 1970:2)
Malinaw
na hindi nagpapangita ang mga pananaw nina Chomsky at Chafe. Sa gramatikang
‘phrase stucture’ ay tinangka ni Chomsky na remedyuhan ang alam ng karamihang
kakulangan sa modelong IC sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga
transformasyon. Ang pangungusap (1) sa ibaba, halimbawa, ay isang pangunusap na
kernel, ( a simple declarative sentence in the active voice from which both
simpler and more complicated English sentences may be derived by
transformation). Ito ay nabuo sa pamamagitan ng tinatawag niyang ‘phrase
structure rules.’ Samantala, ang pangungusap (2) ay isang transpormasyon ng
pangungusap na kernel na siyang pinaghanguan.
1) The man hit the ball.
2) The ball was hit by the man.
Pansinin
na ang (2) ay anyong ‘passive ng anyong “active” ng (1). Ayon kay Chomsky, ang
(2) ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng opsyunal na tuntuning ‘passive
transformation.’
Ibinigay
niya ang sumusunod bilang halimbawa ng kanyang tinatawag na ‘phrase structure
sentence rules.’
3) (i) sentenceà NP + VP
(ii) NPà T + N
(iii) VPàVerb + NP
(iV) Tà the
(v) Nàman, ball, etc.
(vi) Verbàhit, took, etc.
Pagkatapos
ay ipinakita niya kung paanong ang pangungusap na the man hit tha ball ay
nahango sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na tuntunin. Ang mga bilang
na arabiko sag awing kanan ay tumutukoy sa bilang ng tuntunin sa (3).
4) NP + VP (i)
T + N + VP (iii)
T + N + Verb + NP (iii)
The + N + Verb + NP (iv)
The + man + Verb + NP (v)
The + man + hit + NP (vi)
The + man + hit + T+ N (vii)
The + man + hit + the + N (ix)
The + man +hit + the + ball (x)
Ang
nasa itaas ay ang unang component ng gramatika heneratibo (generative grammar)
ni Chomsky, ayon sa kanyang STRUCTURES 1957. Binubuo ito ng phrase-stuctures
’ules' na magpapalabas ng pangungusap na kumakatawan o nagrerepresinta sa
balangkas ng isang pangungusap (isang pangungusap na kernel). Ayon kay Chomsky
ay mapapadali sa Ingles kung lilimitahan o magmumula ang paglalarawan sa mga pangungusap
na kernel at mula rito’y bubuo ng iba pang mga pangungusap sa pamamagitan ng
paggamit ng mga transformasyon.
Pansinin,
kung sabagay, na ang ibinigay niyang mga tuntunin sa (3), bagamat sapat nang
magamit upang makabuo ng pangungusap na tulad ng nasa (1), ay makukunan pa rin
ng mga maling pangungusap (deviant anomalous sentences) na tulad ng *The ball
took the man. Ito ang malaking-malaking kahinaan ng STRUCTURES 1957 ni Chomsky
na tinangka niyang remedyuhan sa kanyang ASPECTS 1965.
Ang
pangalawang component ng modelo ni Chomsky ay binubuo ng mga tuntuning
transpormasyonal. Sa pamamagitan ng mga tuntuning traspormasyonal na ito ay
maaaring isagawa ang mga sumusunod: (1) permutasyon—pagbabagong-ayos ng mga
salita sa pangungusap, halimbawa, ang pangungusap na tahas (active) ay gagawing
balintiyak (passive), (2) pagdaragdag (adjunction)—pagdaragdag ng mga salita sa
pangungusap, halimbawa, 16, 17, (3)
pag-uugnay (conjoining)—pagsasama ng dalawang pangungusap, halimbawa, 19, (4)
pagbabawas (deletion)—pagkakaltas ng mga salita sa pangungusap, halimbawa, 17
at (5) pagpapalit (substitution)—pagpapalit sa isang salita o parirala ng ibang
salita o parirala.
Kinasipika
ni Chomsky ang lahat ng transpormasyon sa dalawa: ‘singulary’ at ‘generalized.’
Ang transpormasyong singulary ay tulad ng halimbawa sa (4) na isa-isang
ginagamit ang mga tuntunin upang makabuo ng pangungusap na katumbas ng unang
pangungusap. Ang transpormasyong generalized.’ Naman ay pagbuo ng isang
pangungusap mula sa dalawang pangungusap, na ang isang, tuntuning
transpormasyonal ay nagagamit sa dalawang ‘phrase makers.’
Maibibigay
na halimbawa ng tranpormasyong ‘singulary’ ang (4), na kung ang The man hit the
ball na isang pangungusap na ‘active’ ay gagawing passive,’ magagamit ang
opsyunal na tuntuning ‘passive transpormasyonal,’ gaya ng sumusunod:
5)
Structural Analysis; NP1—Aux—V—NP2
Structural change: X1—X2—X3—X4
àX4—X2+ be-en—X3—by+X1
Ang
ibig sabihin ng tuntunin ay ganito: kung gagawing ‘passive’ ang pangungusap,
pagpalitin ang pusisyon ng NP1 at NP2; pagkatapos ay idagdag ang wastong anyo
ng pandiwang be at ang preposition na by sa pagitan ng V at ng NP1.
Pansinin
na Matangi sa transpormasyon na idinagdag sa sintaksis, ang pamamaraan ni
Chomsky ay istruktural pa rin. Pansinin din na ang pokus o tuon ay nasa
balangkas o anyo ng wika at wala sa kahulugan. Ito ang kahinaan o limitasyon ng
istrukturalismo Sa ganitong modelo ay posibleng makahango ng mga mali o walang
diwang pangungusap.
Si
Chomsky mismo ay nagbigay ng magandang halimbawa kung paanong ang isang
modelong nagbibigay-diin sa balangkas at hind isa kahulugan ay makapagbibigay
ng maling pangungusap:
6)
Clorless green ideas sleep furiously.
Ang
ikatlo at pangunahing component sa modelong 1957 ni Chomsky ay binubuo ng isang
set ng mga tuntuning morpoponemiko na nagtuturo kung papaano bibigkasin ang
pangungusap. Ibinigay na halimbawa ni Chomsky ang sumusunod:
7) (i) walk à/wƏk/
(ii) take + past à /tuk/
(iii) /…D/+past à
/…D/+/i/ (where D=/t/ or /d/)
(iv) /…Cunv/ + past à/…Cunv/ + /t/ (where Cunv is an unvoiced consonant)
(vi) past à /d/
(vii) take à/teyk/
etc.
Pansinin
na mahalagang-mahalag rito ang wastong pagsusunod-sunod ng mga tuntunin.
Halimbawa, kailangang mauna ang tuntunin (ii) sa tuntunin (v) o (vii) ipang hindi
lumabas ang anyong /tykt/ para sa anyong pangnakaraan ng take.
Malalagom
ang modelong 1957 ni Chomsky, gaya ng sumusunod:
8) Initial element (S)
Phrase structure component
Transformational component
Morphophonemic component
Phonological representation of S
2. ASPECTS 1965. Sa sumunod na mga taon,
mula nang mailathala ang STRUCTURES 1957 ni Chomsky, ay tumanggap siya ng iba’t
ibang puna mula sa ibang mga linggwista. Kaya’t sa hangad ni Chomsky na
maremedyuhan ang mga kahinaan ng kanyang SRUCTURES 1957 ay ipinalabas niya abg
ASPECTS 1965. Ang sabi ni Chomsky:
Deficiencies of various
kinds have been discovered in the first attempts to formulate a theory of
transformational generative grammar and in the descriptive analysis pf particular
languages that motivated these formulations. At the same time, it has become
apparent that this formulation can be extended and deepened in certain ways.
Sa
bersyong 1965, ang mga component sa bersyong 1957, gaya ng paglalagom sa (8),
ay nagkakaroon ng ilang modipikasyon. Bukod sa tinanggap na mga pun ani
Chomsky, ang isa pang maaaring nakapag-udyok sa kanya upang magkaroon ng
ikalawang bersyon ang kanyang modelo, ay atensyon na iniukol niya sa semantika
nang sumunod na mga taon, bagama’t hindi niya tinanggap ito nang lantaran. Sa
STRUCTURES 1957 ay sinabi ni Chomsky, gaya ng nabanggit na sa dakong una, na
ang semantika ay mapag-aaralan lamang pagkatapos a pag-aralan nang hiwalay ang
‘syntactic structures.’ (sf. P. 17)
Malinaw
na sa modelong 1965 ay pinag-isipan ni Chmsky ang kanyang dating paniniwala at
maaaring nakumbinsi siya ng kanyang mga kritiko na kailangang pag-ukulan niya
ng pansin ang panig ng semantika. Gayunpaman, sinabi niyang ang anumang
mungkahing modipikasyon ng kanyang mga kritiko ay ibang paraan lamang ng
paglalarawan (mere notational variants) sa kanyang modelo.
Subukin
nating paghambingin ang pusisyon ni Chomsky sa kanyang ASPECTS 1965, na ating
nilagom na (9) at ang kanyang pusisyon sa kanyang STRUCTURES 1957 na nilagom
din natin sa (8):
·
9)
Transformational Base
Subcomponent Subcomponent
Deep
Structures
Phonological Semantic
Interpretation Interpretation
rules rules
Sounds meaning
Pansinin
na ang ‘syntactic component’ sa (9) ay binubuo na ngayon ng dalawang
subcomponent—ng ‘base component’ at ng ‘transformational component.’ Abg ‘base
component’ ay tumutugon sa ‘phrase structure component’ sa kanyang modelong
1957 sapagkat ang tungkulin nito’y ilabas ang natatagong mga pangungusap na
kilala na ‘deep structures.’
Sa
simpleng pagpapaliwanag, ang sintaksis ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
balangkas ng isang pangungusap; ang mga transpormasyon ay tumitiyak sa mga
proseso ng pagbabagong pagdaraanan ng pangungusap; ang ponolohiya ay masasabi
kung papaanong ito’y biigkasin; at ang semantika ay nagsasabi kung ano ang ibig
sabihin nito. Ang ‘phonological component’ at ang ‘semantic component’ ay
kilala rin sa tawag na ‘interpretative’ sapagkat sa pamamagitan ng mga ito
natitiyak ang kahulugan at wastong bigkas ng pnagungusap. Ang gramatika,
samakatwid, sa ASPECTS 1965 ay ang relasyon ng mga tunog at ng kahulugan.
Mangyari pa, ito’y dati ang kaalaman ngunit napag-anyong bago ni Chomsky dahil
sa kanyang bago at naiibang pamamaraan.
Semantic
component
(undedined) = Interpretative Semantics
structure structure structure
Sa
bahaging ito’y makabubuting linawin natin ang maling pangungusap sa (6) ay
maaaring lumabas sa modelong 1957 sapagkat hindi pinagukulan ng pansin ni
Chomsky ang kahulugan o semantika. Sa kanyang modelong 1965 ay tinangka niyang
remedyuhan ito sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘distinctive features’ sa
leksikon. Tingnan natin ang isang halimbawang kinuha sa ASPECTS 1965, p. 85 na
mismo minodipika natin nang kaunti para sa ating layunin:
11) (i) NP à(Det)
N (S)
(ii) N à [+ N, ± common]
(iii) [+ common] à[ ±counts]
(iv) [-common] à [±Animate]
(v) [±Animate] à [±human]
(vi) [-count] à [±abstract]
3.
Ang tuntunin (i) ay
isang ‘phrase-structure rule na katulad ng nasa kanyang bersyong 1957. Ang
nasabing mga tuntunin ay pormal nang tinawag ngayong ‘branching rules’ ni
Chomsky. Ang mga tuntunin mula sa (ii) hanggang (vi) ay tinawag niyang
‘subcategorization rules.’ Ang tungkulin ng mga ito ay bigyan ng set o
features’ ang kategoryang N. Kung titingnan natin ang ‘subcategorization rules’
sa itaas ay masasabi natin ang mga sumusunod: Ang Kategoryang N ay may
katangiang isang ‘pangngalan’ na maaaring [+karaniwan]; ang lahat naman ng
kategoryang may katangiang [+karaniwan] ay kailangang maging alinman sa [+may
bilang] o [-may bilang]; etsetera. Ang mabubuong set ng mga ‘features’ ay
tinatawag na ‘complex symbol’ (CS). Tingnan natin ang sumusunod na halimbawa ni
Chomsky:
·
Boy +N
+common
+count
+Animate
+Human
+Masculine
Ang
ibig sabihin nito, ang salitang boy ay may bilang (countable), karaniwan
(common), may buhay (animate), tao (human), maskulino (Masculine). Ang tatlong
sunod-sunod na tuldok sa ibaba ay nagsasaad na maaaring mayroon pang ibang
‘features’ na maisasama sa loob ng matrix.
Pagsusuri sa Isang Tagalog na
Pangungusap
Ang
sumusunod ay ang mga pagsusuri sa pangungusap na
13) Bumili
ng kendi si Mario para sa bata, ayon sa dalawang bersyon ng modelongg
‘transformational-generative grammar ni Chomsky.
Ayon sa
STRUCTURES 195
Ang pangungusap (13) ay maituturing
na kernel; na ang pariralang pang-ukol na para sa bata ay maituturing na isa lamang
pagpapalawak, isang ‘reservational verbal complement.’ Mangangailangan tayo ng
mga tuntunin sa transformasyon na gaya ng mga sumusunod:
·
14)
S à VP + NP1 (PP) NP2 à ng +
N2
VP à Verb
+ NP2 NP3 à sa + N3
PP à Prep
+ NP3 Af
à -um-
Verb àAf + V Verb
à bili
NP1 à si + N1 N
à bata, kendi, Mario
Sa pamamagitan ng (14) ay
makabubuo tayo ng dayagram na tulad ng nasa ibaba:
·
Mario bili bata sa para si kendiCV ng -um- V NP2 Af V T N Prep NP3 T N T N S NP1 VP PP
At
sa pamamagitan naman ng isang tuntunin sap ag-uugnay ay maikakabit natin ang
panlaping -um- sa pandiwang bili, kaya’t magiging bumili.
May
isa pang maaaring paraan ng pagsusuri sa pangungusap (13), kung ituring na ang
nasabing pangungusap ay buhat sa dalawang pangungusap na.
(16)
Bumili ng kendi si Mario.
(17)
Para sa bata ang kendi.
At
pagkatapos ay gagamitin ang mga transpormasyong pag-uugnay (conjunction) at
pagkakaltas (deletion). Halimbawa:
(18) PS—1:
-- Bumili ng kendi si
Mario
(i) S à VP + NP1 + NP2
(ii) VP à Af + V
(iii)
NP à T + N
(vi) Af à -um-
(v) V à bili
(vi) T à T1 / _____NP1
T2 / _____NP2
(vii)
N à NP1 / ___Aktor
NP2/ ___ Object
(viii) T1 à si;
T2à ng
(ix) NP1 à kendi ; NP2 àMario
PS—2
Para sa bata ang kendi
(x) S
à PP + NP3
(xi)
PP à Prep + NP4
(xii)
NP à T + N
(xiii)
T à T3 /
____N3
T4 /____
N4
(xiv)
N à NP3 /____sa
NP4 /
____ang
(xv)
T3 à sa ; T4 à ang
(xvi)
N3 à bata; N4 à kendi
Pagkatapos
ay gagamit tayo ng pangalawang set ng mga tuntuning transpormasyonal:
(19)
Tpag-ugnay (Tconjunction)
S.A. of S1: VP—NP1---NP2
S2:
PP—NP3
na ang N ng
NP1 ay identical sa N ng NP2
S.C. X1—X2
X3 X4 X5 à
X1—X2 X3
X4
Mario si kendi bili -um- Af V T N T N S1 NP1 VP NP2
20) PS—1
ng kendi ang bata para Af T N T N S2 NP4 VP NP2 sa
Mario si bata N NP1 T T N T sa para kendi -um- Af Prep NP NP1 S VP NP2 bili N
PS—3:
V ng
Ang
pangatlo at huling hakbang ay ang paggamit ng mga tuntuning morpoponemiko upang
ang pandiwang ugat na bili ay malapian at maging bumili. Makapagbibigay tayo ng
ganitong ganitong tuntunin.
(21) -um-
+ C1 V1 …---C1 + -um- + V1 …
na ang
C1 at V1 ay ang mga unang katinig at patinig ng pandiwang bili.
4. Ayon sa ASPECTS 1965
Upang
napalabas ang pangungusap sa (13), kailangan ang sumusunod na inisyal na ‘base
phrase-structure rule.’
(22)
S à Prep P NP
Ang
pormulasyon sa itaas ay nangangahulugang ang pangungusap ay maaaring muling
sulatin at gawing dalawang parirala—pariralang panaguri (predicate phrase) at
pariralang pangngalan (noun phrase). Ang pariralang panaguri ay ang bumili ng
kendi para sa bata, samantalang ang pariralang pangngalan ay ang si Mario. Ang
unang gumaganap bilang panaguri at ang huli ay bulang simuno ng pangungusap.
Ang pariralang panaguri ay binubuo ng pariralang pandiwa na inirereprisinta ng
bumili ng kendi at ng opsyunal na pariralang pang-ukol na inerereprisenta ng
para sa bata. Ang pariralang pandiwa ay binubuo ng pandiwa na inerereprisenta ng ng kendi. Ang pandiwa
ay binubuo ng panlapi na inerereprisenta ng gilaping -um- at mga pandiwang ugat
na inerereprisenta ng bili. Ang pariralang pangngalang ugat ng pantukoy
(determiner) na inerereprisenta ng alinman sa ng, sa, o si, at pangngalan na
inerereprisenta ng alinman sa kendi, bata, o Mario. Ang opsyunal na pariralang pang-ukol ay maaaring muling
isulat ng pang-ukol + pariralang pangngalan—para bilang pang-ukol at sa bata
bilang pariralang pangngalan. Ang kategoryang N ay titiyakin sa pamamagitan ng
paglalagay ng kaukulang mga katangian (features), tulad ng [+common] para sa
pangngalang bata upang maiba ito sa pangngalang Mario na may katangiang
[-common]. Ang pangngalang [+common] ay lalo pang matitiyak sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga katangiang [-human] para sa kendi at ng katangian [+human
para sa bata. Magagamit pa rin ang iba pang mga katangiang tulad ng [+count] o
[-count], [+ Masculine] – [-Masculine] [+transitive] o [+transitive], at iba
pa.
Ang
mga tuntunin, samakatwid, na maaaring magpalabas ng pangungusap na ating sinuri
ay gaya ng mga sumusunod:
(23) (i) S à Pred P ˆ NP1
(ii) Pred P à VP ˆ (Prep P)
(iii) VP à Verb ˆ NP2
(iv) Prep P à prep ˆ NP3
(v) Verb à Af ˆ VB
(vi) NP à Det1
/ Verb ˆ
____ N
(vii) Det à Det1 / verb ˆ ____ N
Det2
/ Prep ˆ____N
Det3
/ ___N
(viii) VB à CS
(ix) N à CS
(x) [+ Det___] à [±count]
(xi) [+counts] à [+ Animates]
(xii) [+animates] à [±common]
(xiii) [+human] à [±Common]
(xiv) [+common] à [±Masculine]
(xv) [+VB] à CS / ___NP]
(kendi, [+V, +
___ Object _ (Prep P) + Actor]
(Mario, [+N, +
Det___, -common, + count, -animate])
+common,
+ Masculine …])
(Mario, [+ N, +
Det___, + Common, + Count, + Animate,
+Human,
…])
(para, [+Prep])
(si [+ Det, +
___Name]); ng/sa, [Det, + ___N1])
Ang
tinatawag na ‘deep structure tree’ ng sinusuring pangungusap ay makikita sa
ibaba:
S Prep P Prep P NP1 N -common si +N Mario . . . . . . Prep P N3 Det . . . N bata . . . VP Verb Af VB NP2 N Det Kendi sa ng ng . . . . . . . . . . . . . . -um- bili ng kendi para sa bata si Mario An adjunction rule will attach the infix -um- to the
VB bili, yielding bumili. And then the following optional NP movement rule
or transformation may be performed: (Incidentally, all T-rules in the 1965
model are obligatory except for stylistic ones, such as this; hence,
optional S.D.: [VP Prep P] NP 1 Prep P 2 3 S.C.: VP NP Prep P 1 2 3
+proper
-Plural
-Common
+Animate
+Human
+Masculine
+Common
-Plural
+N
+Common
+Count
-Animate
+Human
-Plural
+N
+Common
-Animate
-Plural
+Common
-Plural
+VB
+Trans.
-um-
+Begun
+Completed
a.
Ang
tinatawag na ‘tripartite component’ ng wika—‘syntactic component, phonological
component, semantic component’—na matatagpuan sa modelong 1957 ni Chomsky ay
matatagpuan din sa kaniyang modelong 1965.
b.
Kapwa
sinasabi sa dalawang modelo na ang sintaksis at semantika ay magkahiwalay,
bagama’t masasabi nating higit na pinag-uukulan ng pansin ni Chomsky ang
semantika sa kanyang modelong 1965 upang maremedyuhan ang kahinaan ng kanyang
modelong 1957. Sa kanyang modelong 1957 ay maaaring lumabas ang mga maling
pangungusap na tulad ng Sincerity frightens the cat. Sa kanyang modelong 1957 ay hindi mangyayari
ang ganiton dahil sa kanyang idinagdag na subcategorization’ at ‘restriction
rules.’ Sa ibang salita, ang kahulugan ng isang leksikon sa pangungusap ay
nagiging tiyak sa pamamagitan ng paglalagay ng semantic component o lexical
features, gaya ng makikita sa (23). Ang paggamit ng nasabing lexical features
ay nagsisilbing pansala upang hindi lumabas ang tinatawag na deviant lexical
terms o mga maling salita.
c.
Ang
‘base component’ sa modelong 1965 ay binubuo ng dalawang
subcomponent’—categorial subcomponent at leksikon. Ang categorical subcomponent
ay nagtataglay ng set ng mga tuntunin na masasabing katulad ng mga
‘phrase-structure rules’ sa modelong 1957. Sa kabilang dako, ang leksikon ay
nagtataglay ng lahat ng wika na may kaya-kanyang impormasyong
kinakailangan—syntactic, semantic, phonological—para sa wastong paggamit ng mga
tuntunin.
May
ilang pagkakaiba ang ‘categorial rules’ ng modelong 1965 sa ‘phrase-structure
rules’ ng modelong 1957, gaya ng mga sumusunod: Una , ‘categorial rules’ ng modelong 1965 ay
hindi naglalagay ng mga salita sa tinatawag
na ‘underlying phrase marker,’ di tulad ng makikita sa mga tuntunin
(iv)—(vi) ng (3) sa modelong 1957. Ikalawa, ang unang simbolong pangungusap
(sentence) na lumilitaw lamang sag awing kaliwa ng mga tuntunin sa modelong
1957 ay matatagpuan na rin sag awing kanan ng mga tuntunin sa modelong 1965.
Ang ibig sabihin, ang pangungusap sa modelong 1965 ay maaari nang mataasan ng
karaniwan ay mas mababang ‘string,’ halimbawa ay ng ‘noun phrase, o pariralang
pangngalan, gaya ng makikita sa ibaba:
26) NP à (Det) + N (S)
d.
Sa
modelong 1957 ay may binabanggit si Chomsky na sapilitan (obligatory) at
di-sapilitan (optional) na mga transformasyon. Sa kanyang modelong 1965, ang
mga ito’y naging sapilitan nang lahat, sapagkat ang ‘base structure’ a resulta
ng antas na ‘deep structure’ ay nagbibigay ng instruksyon kung anong
transpormasyon ang gagawin. Halimbawa, kapag natagpuan ang simbolong NEG sa
‘base structure’, ang ibig sabihin ay sapilitan ang ‘negativization.’ Dahil
dito, Nawala na rin ang mga pangungusap na ‘kernel’ at ‘nonkernel’ na
maituturing na leitmotif ng modelong 1957.
e.
Sa
modelong 1965 ay hindi na rin binabanggit ni Chomsky ang ‘singulary’ at
‘generalized transformations.’ Sa halip ang ibinigay niya ay mga ‘phrase
markers’ na kilala rin sa tawag na ‘structural trees.’
f.
Tulad
ni Chomsky sa kanyang modelong 1965 ay pinanindigan din niyang ang
transpormasyon ay hindi nakapagbabago sa kahulugan ng orihinal na pangungusap.
Subalit nang sumunod na mga taon ay nagbagong-isip si Chomsky, lalo nan ang
tumanggap siya ng mga puna tungkol dito. Ayon kay Jackendoff, isa sa kanyang
mga eskwela, nagbabago ang kahulugan ng pangungusap na nasa ‘active voice’
kapag ito ay ginamitan ng transpormasyon at ginawang ‘passive.’ May pagkakaiba
sa kahulugan, ayon kay Jackendoff ang dalawang sumusunod na pangungusap:
27)
Many men read few books.
28) Few
books are read by many men.
Sa bahaging ito’y nakapagbibigay tayo
ng higit na simpleng halimbawa upang maipakita na ang transpormasyon ay sadyang
nakapagpapabago ng kahulugan. Tingnan ang mga sumusunod:
29) Tumatakbo ang bata
30) Tumatakbo ba ang bata?
Ang
(29) ay isang pangungusap na ‘declarative.’ Ang (30) ay naging pangungusap na
patanong pagkatapos gamitan ng ‘question transformation’ Pansinin na magkaiba
na ang kahulugan ng dalawang pangungusap. Sa unang pangungusap ay tiyak na
tumatakbo ang bata. Ngunit sa ikalawang pangungusap ay maaaring tumatakbo o
hindi ang bata.
g.
Ang
deep structure na pinasimulan ni Chomsky sa kanyang modelong 1965 at tumanggap
din ng napakaraming pun amula sa mga semantisista. Ang ‘deep structure’ diumano
ay hindi na kailangan. Ang modelong 1957 ni Chomsky na walang ‘deep structure’
ay hindi tumanggap ng gayong puna.
4.28 Ang dalawang modelo
ay kapwa nagbibigay-tuon sa sintaksis. Sa ibang salita, ang pokus ay sintaksis
nagsisimula ang pagsusuri. Ang pagkakaiba lamang ng dalawang modelo ay ito: Sa
modelong 1957, ang pagsusuri ay walang direksyon, di-sistematiko; mula sa
sintaksis, di natin matiyak kung anong hakbang naman ang dapat isunod o kung
saan titigil. Samantala, sa modelong 1965, ang pagsusuri ay mas sistematiko.
h. Di-iilang mga
palaaral ang naniniwalang hindi napabuti ng modelong 1965 ang modelong 1957. Sa
katunayan, maraming nagsasabi na higit na konsistent si Chomsky sa kanyang
modelong 1957 kaysa kanyang 1957. Kung sabagay,naniniwala rin ang manunulat na
ito na ang ideya ni Chomsky tungkol sa ‘deep structure’ ay hindi makatotohanan,
walang ‘direct psychological reality.’ At sapagkat ang ‘deep structure’ ay
nagsisilbing pabigat sa modelong 1965, maaaring una pang lilipas ang modelong
1965 kaysa modelong 1957.
E. Implikasyon sa
Pagtuturo ng Dalawang Modelo.
5.1 Ang isang mag-aaral
na walang pagkagusto sa matematika ay tiyak na hindi rin magugustuhan ang
teoryang panggramatika ni Chomsky. Napakahirap paniwalaan na ang mga modelong
matematika sa wika ay higit na Mabuti kaysa mga modelong di matematikal.
Malamang na ang binubuo
ni Chomsky ang kanyang modelo ay iniisip niya balang araw ay maaaring maisubo
sa computer ang kanyang mga pormula upang magamit sa pagsasaling-wika, lalo na
kung inasaalang-alang na noong mgapanahong bubuin niya ang nasabing teorya ay
nasa ‘mathematical theory of formula languages’ ang kanyang intere. Hanggang sa
mga panahong ito ay wala pang naiimbentong ‘computer machine’na makapagsasalin
nang maayos sa isang mensahe mula sa isang wika tungo sa isa pang wika. Ang
dahilan ay sapagkat ang computer ay umaasa lamang sa mga tiyak na impormasyon
isinusubo rito, kaya’t kailanman ay hindi nito mapapantayan ang malikhaing isip
ng tao. Ang isang computer, halimbawa, ay lalabas na istupido sa pagsasalin ng
mga ekspresyong idyomatiko. Kailanman ay hindi makalilikha ang agham ng isang
computer na makapapantay sa computer na nilikha ng Diyos—ang isip ng tao.
5.2 Hindi makita ng
manunulat na ito ang implikasyon ng mga modelo ni Chomsky sa pagtuturo ng wika,
lalo na sa mababang paaralan na hindi pa lubos na natututuhan ng mga mag-aaral
ang wikang pinag-aaralan. Ang mga modelo ni Chomsky ay lubhang masalimuot, matematikal,
at di matipid. Kung sabagay, nang buuuin ni Chomsky ang kanyang mga modelo ay
hindi naman niya iniisip na ang mga ito’y maaaring magamit sa loob ng
silid-aralan.
Maaari marahil magamit
ang nasabing mga modelo sa mataas na antas nap ag-aaral sa wika, lalo na ng mga
mag-aaral na matatalino at saw ana sa paggamit ng mga modelong istruktural. Sa
gayon ay mahahamon ang katalinuhan ng nasabing mga mag-aaral sapagkat ang mga
modelo mismo ay mga aralin nang dapat pag-aaralan, mga araling higit na mahirap
sap ag-aaral sap ag-aaral mismo ng wika.
Sa bahaging ito ay
mapatutunayan natin na sa kasalukuyan ay wala pa tayong modelong panggramatika
na maayos na magagamit sa ating pagtuturo ng wika, Matangi sa kasalukuyannating
ginagamit na mga modelong istruktural. Ang ginagawa lamang natin ay ang
mangopya ng mga kalakaran sa ibangbansa, lalo na sa Amerika. Ang kailangan
natin ay isang modelong pampagtuturo na angkop sa natatanging kakayahan ng
ating wika. Naniniwala ang manunulat na ito na bawatmodelong panggramatika ay
may sariling kinaangkupan.
Sa wakas, dapat linawin
dito na hindi nilalayon ng manunulat na ito na lubusan nang maisantabi ang mga
modelo ni Chomsky kung tungkol sa pagtuturo ng wika ang pag-uusapan. Marahil
ang magagawa nating mga guro ng wika ay modipikahin ang mga modelong nabanggit,
gawing simple hanggat maaari. Sapagkat, anong malay natin, baka sa dakong huli
ay makakalikha tayo ng modelongpanggramatika na matatawag nating sariling atin.
V. MGA KASANAYAN:
A. Panuto: Ipaliwanag ang ga sumusunod:
1.
Ano
ang nangingibabaw na modelong panggramatika sa Amerika bago lumabas ang
modelong transpormasyonal ni Chomsky? Sino ang kinikilalang pinakaama o
pinakapangunahing tagapagpalaganap nito?
2. Ano ang maituturing na
pinakapangunahing pagkakaiba ng istrukturalismo at ng semantisismo?
3. Bakit sinasabing sina Bloomfield ay
may phonetic bias?
4. Sa anong antas ng wika nagsisimula ang
pagsusuri ng wika batay sa mga modelo ni Chomsky? Sa anong antas naman
nagsisimula ang pagsusuri ng wika batay sa mga modelong istruktural? Aling
paraan sa palagay mo ang higit na mabisa?
5. Ano ang pangunahing kahinaan ng
modelong 1957 ni Chomsky (Syntactic Structure)? Sa iyong sariling palagay,
nareremedyuhan kaya ito sa kanyang modelong 1965 (Aspect of the Theory of
Syntax)? Ipaliwanag ang iyong sagot.
6. Bakit sinasabing ang mga modelo ni
Chomsky, sa katotohanan, ay istruktura pa rin?
7. Bakit may kahirapang gamitin sa loob
ng silid-aralan ang mga modelo ni Chomsky?
8. -10. Paghambingin ang dalawang modelo
ni Chomsky? Anu-ano ang pagkakatulad? Anu-ano ang pagkakaiba?
B. Panuto: Gamit ang mga pangungusap sa
ibaba, gawan ito ng pagsusuri gamit ang dayagram na makikita sa ASPECTS 1965 ni
Chomsky.
1.
Sumayaw
si Jenny sa Patimpalak para manalo.
2. Natalo si Nomar sa paligsahan.
3. Nagsimba ang mag-anak tuwing lingo
4. Nagdaasal kami bago matulog upang
gabayan ng Poon.
5. Mahilig kaming manood ng Cardo bago
matulog.
VI. PAGSUSULIT:
Panuto:
Ang pagsusulit na ito ay tatangkain na sasagutan sa aplikasyong Edmodo. I-click
lamang ang loob ng bilog kahanay ng napiling kasagutan.
1.
Ano
ang nagingibabaw na modelong panggramatika sa amerika bago lumabas ang modelong
transformasyonal ni Chomsky?
a. ASPECTS 1965
b. STRUCTURES 1957
c. Mathematical Theory
d. Istrukturalismo (Tamang Sagot)
2. “Ang pagkakaiba-iba ng tunog ay
pagkaiba-iba rin ng kahulugan na winika ni _______?
a. Bloomfield (Tamang Sagot)
b. Chomsky
c. Harris
d. Chafe
3. Siya ang nakilala sa kanyang
‘philosophical reductionism’?
a. Bloomfield
b. Chomsky
c. Harris
d. Chafe (Tamang Sagot)
4. Sa aklat ni Chomsky ay nagpapakita
siya ng isang modelo, isang paraan ng paglalarawan ng ‘competences’ na
inilarawan ni Humbolt na _______?
a. form (Tamang Sagot)
b. leksikon
c. semantika
d. sentaksis
5. Sa modelong ito, tiningnan ni Chomsky
na ang wika ay sa paraang matematikal?
a. ASPECTS 1965
b. STRUCTURES 1957 (Tamang Sagot)
c. ISTRUKRURALISMO
d. PHILOSOPHICAL REDUCTIONISM
6. Ang modelong panggramatika ni Chomsky
ay tinawag na ‘phrase structure’ na nagbibigay tuon sap ag-aaral ng ________?
a. Leksikon
b. Semantika
c. Sentaksis (Tamang Sagot)
d. Ponolohiya
7. Sa pamamagitan ng _________________ ay
tinangka ni Chomsky na remedyuhan ang alam ng karamihang kakulangan sa modelong
IC sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga transpormasyon?
a. Phrase structure (Tamang Sagot)
b. Sentence Structure
c. Clause Structure
d. Phoneme Structure
8. Ang pangalawang component ng modelo ni
Chomsky ay binubuo ng mga tuntuning ___________?
a. Transformational (Tamang Sagot)
b. Permulasyon
c. Adjunction
d. Conjoining
9. Ito ay tumutukoy sa pagbabagong ayos
ng mga salita sa isang pangungusap?
b.
Permulasyon
(Tamang Sagot)
c.
Adjunction
d.
Conjoining
10. Ito ay ang tawag sa pagdaragdag ng mga
salita sa pangungusap?
a. Transformational
b. Permulasyon
c. Adjunction (Tamang Sagot)
d. Conjoining
11. Ito ang pagsasama ng dalawang salita
sa isang pangungusap?
a. Transformational
b. Permulasyon
c. Adjunction
d. Conjoining (Tamang Sagot)
12. Pagbuo ng pangungusap mula sa dalawang
pangungusap, na ang isang, tuntuning transpormasyonal ay nagagamit sa dalawang
‘phrase markers?
a. Transpormasyong component
b. Transpormasyong Morphophonemic
c. Transpormasyong singulary
d. Transpormasyong generalized (Tamang
Sagot)
13. Sa pamamagitan nito ay naremedyuhan ni
Chomsky ang kakulangan sa una niyang modelong panggramatika?
a. Istrukturalismo
b. Structure 1957
c. Aspects 1965 (Tamang Sagot)
d. Philosophical Reductionism
14. Sa prosesong pagdaraanan ng
pangungusap na ito ay nagsasabi kung papaano bigkasin ang isang tunog?
a. Ponolohiya (Tamang Sagot)
b. Morpolohiya
c. Sentaksis
d. Semantika
15. Sa prosesong pagdaraanan ng
pangungusap ay nagsasabing kung ano ang ibig sabihin ng isang salita?
a. Ponolohiya
b. Morpolohiya
c. Sentaksis
d. Semantika (Tamang Sagot)
16. Sa modelong 1965 ay tinangka ni
Chomsky na remedyuhan ito sa pamamagitan ng paglalagay ng _____________?
a. Phrase structure
b. Semantic Component
c. Distinctive features (Tamang Sagot)
d. Subcategorization
17. ‘Bumili ng kendi si Mario para sa bata.’
Sa pangungusap alin ang tinatawag na pariralang pang-ukol?
a. Bumili ng kendi
b. Si Mario
c. Kendi si Mario
d. Para sa bata (Tamang Sagot)
18. Sa pangungusap na halimbawa, alin ang
tinatawag na pariralang panaguri?
a. Bumili ng kendi si Mario
b. Para sa
c. Kendi si Mario
d. Bumili ng kendi (Tamang Sagot)
19. Ang mga sumusunod ay ang ginamit na
determiner sa pangungusap, alin ang hindi kasali?
a. Ng
b. Para (Tamang Sagot)
c. Si
d. Sa
20. Sa pangungusap, alin ang pariralang
pangngalan?
a. Bumili ng kendi
b. Kendi si Mario
c. Para sa
d. Si Mario (Tamang Sagot)
21. Sa pangungusap, alin ano ang ginamit
na pariralang pandiwa?
a. Bumili ng kendi (Tamang sagot)
b. Si Mario
c. Ng bata
d. Para sa
22. Ang mga sumusunod ay ang tinatawag na
tripartite component, alin ang hindi?
a. Syntactic component
b. Morphological component (Tamang Sagot)
c. Phonological Component
d. Semantic component
23. Pinag-uukulan ang ______________ sa
modelong 1965 ni Chomsky?
a. Ponema
b. Morpema
c. Sentatika
d. Semantika (Tamang Sagot)
24. Ito ay nagtataglay ng lahat ng salita
ng wika na may kanya-kanyang impormasyong kinakailangan?
a. Phrase structure
b. Leksikon (Tamang Sagot)
c. Syntactic Component
d. Phonemic phrase
25. Ang dalawang modelo ni Chomsky kapwa
binibigyang tuon ang pokus sa _________?
a. Ponema
b. Morpema
c. Sentaksis (Tamang Sagot)
d. Semantika
Wakas
ng Pagsusulit
VII. SANGGUNIAN:
Santiago,
Alfonso O. (1979). Panimulang linggwistika sa Pilipino. REX Book Store. Maynila
https://dokumen.tips/reader/f/panimulang-linggwistika
What's the catch? - M.J.H.H.R.S.A. Casino & Resort
ReplyDeleteWhat is the catch? · Players are required 나주 출장샵 to make at 양산 출장샵 least a minimum of $10, 나주 출장마사지 · There will also be a minimum of $10 wagering 평택 출장안마 at 전주 출장마사지 any of the slots and/or video poker